Our story begins in this incredible building on 118 Perea Street in Legaspi Village. Next to Malaca�ang, this is perhaps, the most powerful place in the country. This building has become the citadel of power abuse, where incredible deals are cooked and sinister schemes plotted.
|
LAUNDRY SHOP
Republika ng Pilipinas
)
Lungsod ng Makati
) S.S.
S A L A Y S A Y
Ako, EUGENIO P. MAHUSAY Jr., sapat ang
gulang, Filipino, may asawa, at naninirahan sa Kaingin 1, Barangay Pansol,
Lungsod ng Quezon, pagkatapos maka-panumpa nang sang-ayon sa ipinag-uutos
ng batas ay malaya at kusang-loob na dito ay nagsasaysay:
- Na kami po ni Atty. Miguel Arroyo ay nagkakilala ng ako ay kasalukuyang
Sangguniang Kabataan Chair-man ng Barangay Pansol. Ako po ay madalas
na dumalaw sa kanyang tahanan sa 14 Badjao Street, La Vista Subdivision.
Quezon City;
- Na nang ako po ay ikasal noong Sept. 14, 1997 sa simbahan ng Sta.
Maria dela Estrada sa Katipunan, Lungsod ng Quezon, si Atty. Jose Miguel
Arroyo at Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ang isa sa aking ninong at
ninang;
- Na ako po ay nagsimulang maglingkod kay Atty. Jose Miguel Arroyo at
Senadora Gloria Macapagal-Arroyo noong 1996 bilang isang mensahero sa
Velco Bldg., Port Area, Manila;
- Na nang si Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ay nahalal bilang Bise-Presidente
ako po ay inilipat ni Atty. Jose Miguel Arroyo sa LTA Realty Inc. na
matatagpuan sa 118 Perea Street, Makati City bilang mensahero hanggang
Marso 2002;
- Na nang ako po ay nasa LTA Realty Inc. ako
po ay madalas maatasang mag-deposito at mag-withdraw ng salapi na umaabot
po ng milyun-milyong piso sa mga sumusunod na bank accounts:
Account Holder/Address |
Bank Account Number |
Signatory |
Lualhati Foundation
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Legaspi Village, Makati City |
Union Bank- Perea
073-001283-9 |
Edgardo Manda |
Jose Pidal
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Makati City |
Union Bank- Perea
073-001483-6 |
Atty. Jose Miguel Arroyo |
Jose Pidal
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Makati City |
BPI Family Bank
Makati-Perea Branch
661-500497-7 |
Atty. Jose Miguel Arroyo |
Victoria "Vicky" Toh
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Makati City |
Union Bank-Perea
073-001820-9 |
Victoria "Vicky" Toh |
Kelvin N. Tan
c/o Vicky Toh
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Makati City |
Union Bank- Perea
073-001833-7 |
Kelvin N. Tan |
Kelvin N. Tan
c/o Vicky Toh
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Makati City |
International Exchange Bank
Perea-Legaspi
041-02-0-0017020 |
Kelvin N. Tan |
Thomas Toh Jr.
c/o Victoria Toh
8/F LTA Bldg., 118 Perea Street
Makati City |
Union Bank-Perea
073-001993-7 |
Thomas Toh |
- Na kasama sa aking mga naideposito sa Jose Pidal account at Lualhati
Foundation ay mga tseke mula sa mga kaibigan o ka-negosyo ni Atty. Miguel
Arroyo at Presidente Gloria Macapagal-Arroyo tulad nila Honeyboy Palanca,
Bob Go Tong, Amable Aguiluz, Dante Soriquez, George Ty, Ramon Jacinto
at marami pang iba (Annex A);
- Na mayroon din po akong naideposito na cash mula sa iba't ibang tao
na nag-kakahalaga ng milyun-milyon na kanilang dinadala sa opisina ni
Atty. Jose Miguel Arroyo tulad po nila Benjamin Chua ng La Tonde�a,
Efraim Genuino ang Chairman ng PAGCOR, Kishore Hemlani - isang rice
trader at in-charge sa rice importations ng NFA, Atty. Ching Vargas
- Office of the President, Finance Division, Pantaleon Alvarez - DOTC
Secretary at Jeff Cheng ng PIATCO;
- Na ang pinakamaraming salapi na dinala sa aming opisina ay mula kay
G. Efraim Genuino ng PAGCOR. Halos dalawang beses isang linggo kung
magdala ng salapi na nakalagay sa malaking bag si G. Ryan Cordeta, katiwala
ni G. Efraim Genuino;
- Ang karamihan po ng salapi ay akin pong naideposito
o na-withdraw sa Union Bank-Perea Branch, sa Account No. 00-0073001483-6
na nakapangalan po kay Jose Pidal at ang signatory po ay si Atty. Jose
Miguel Arroyo at sa Account No. 073-001283-9 na nakapangalan po sa Lualhati
Foundation. Marami rin po akong naideposito sa Account No. 073-001820-9
sa pangalan po ni Victoria Toh at sa Account No. 073-001993-7 sa pangalan
naman po ni Thomas Toh Jr. na kapatid ni Victoria Toh. Mayroon din po
akong naideposito at nawithdraw na nagkakahalaga ng milyon-milyon sa
bank account ni Kevin Tan. na bayaw ni Victoria Toh, sa Union Bank-Perea
Branch, sa Account No. 073-001833-7 at sa International Exchange Bank,
Perea-Legaspi Branch na may Account No. 041-02-0-001720 na naka pangalan
rin kay Kelvin Tan. Lahat po ng nasabing bank account ay may address
na c/o Vicky Toh, 8th Floor, LTA Bldg., Perea Street, Makati City. Si
Victoria Toh ay naabutan ko na sa LTA Realty Inc. na gumawa ng trabaho
ng accountant. Siya pala ay kalaguyo ni Atty. Jose Miguel Arroyo.
- Na bilang patunay na ako po ay napag-uutusang mag-withdraw ng milyun-milyong
salapi buhat sa mga nasabing bank accounts, makikita po ninyo ang aking
lagda sa likod ng mga tsekeng nagamit na kung atin pong ipapakuha ang
lahat ng record ng bangko sa mga nabanggit na accounts.
- Isa sa mga nahawakan kong tseke ay mula kay Congressman Mark Jimenez
na ibinigay kay Atty. Jose Miguel arroyo at aking ideneposito sa Jose
Pidal at Lualhati Foundation accounts sa Union Bank-Perea Branch. Sa
katunayan ito po ay lumabas sa pahayagang Daily Tribune noong Disyembre
29, 2002 at nagsasabing sa Union Bank-Perea Branch Account No. 0073-001483-6,
isang pribadong bank account, naideposito ang ilan sa mga tseke ni Congressman
Mark Jimenez.
- Na ang lahat po ng utos patungkol sa pag-deposito at pag-withdraw
ay nanggagaling kay Victoria Toh. Maging ang mga tseke nina Thomas Toh
at Kelvin Tan, Jose Pidal at Lualhati Foundation ay si Vicky Toh ang
gumagawa. Ang lahat ng aking ginagawang mga transaksyon sa bangko ay
maaring patunayan ni G. Nestor "Atoy" Pineda, isang opisyal ng Union
Bank-Perea Branch at aking personal na kakilala sa kadahilanang ako
po ay laging tumatawag sa kanya sa telepono bago ako mag-withdraw ng
salapi upang maibasta ang pera ng nagkakahalaga ng milyun-milyong piso;
- Na kung susumahin ang halaga ng salapi na dumaan sa aking kamay bilang
mensahero na napag-uutusang madalas sa bangko, aabot po ito ng Isang
Bilyong Piso o higit pa hanggang ako po y umalis sa kumpanya noong Marso
2002;
- Na ako po ay nauutusan din ni Atty. Jose Miguel Arroyo sa kanyang
mga personal na pangangailangan katulad po ng pagpapainom ng gamot,
pagluluto ng kanyang paboritong pritong galunggong at pinakbet. Ako
rin po ang taga-bili ng bulaklak na rosas para kay Victoria Toh sa tuwing
sasapit ang araw ng mga puso. Ako rin po ang taga-masahe ni Atty. Jose
Miguel Arroyo kung wala si Ernesto Beltran o mas kilala bilang si "Tiyana".
Nagsisilbi rin po ako ng red wine kina Atty. Jose Miguel Arroyo at Victoria
Toh sa silid ni Atty. Arroyo sa opisina hanggang alas diyes ng gabi
lalo na kung wala si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at may biyahe
sa probinsiya. Ako po ay naisama na rin ni Atty. Jose Miguel Arroyo
at Victoria Toh sa pag-gagala sa Tagaytay sakay ng dilaw na helicopter,
pag-aari ni Atty. Arroyo. Ito ay mapapatunayan ni "Nestor" at Weng Salud,
mga maintenance crew ng helicopter.
- Na noong pangalawang linggo ng Hulyo ng taong 2001, makaraan ang kaarawan
ni Atty. Mike Arroyo, nagpa-withdraw siya ng pera sa account ni Jose
Pidal at mula piso ito ay ipinalit sa dolyar sa Union Bank. Ito ay nagkakahalaga
ng higit kumulang sa sampung libong dolyares. Ito ay aking binigay kay
Atty. Jose Miguel Arroyo at kanyang inilagay sa isang brown envelope
at nakita kong ibinigay kay Col. Corpus at narinig ko po na ito ay gagamitin
sa pagkalap ng mga impormasyon laban kay Senator Lacson.
- Na ang salaysay na ito ay aking sinagawa bilang patotoo sa lahat ng
nabanggit.
SA KATOTOHANAN NG LAHAT
NA ITO, ako ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika-21 araw ng buwan ng Hulyo,
2003 sa Makati.
EUGENIO P. MAHUSAY, JR.
Nagsasalaysay
NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko, ngayong
ika-21 araw ng buwan ng Hulyo, 2003 ni EUGENIO P. MAHUSAY, Jr., na may
Police Security and Protection Office I.D. No. RI-444-PPU na may bisa
hanggang 09-08-02 na gawad ng Malaca�ang at Community Tax Certificate
No. 21458364 gawad sa Quezon City noong Enero 28, 2003.

Kas. Blg. 182
Pahina Blg. 38
Aklat Blg. II
Taong 2003
|